|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Noyembre 22, 2019 sa mga dayuhang kinatawang kalahok sa Porum ng Inobasyong Pangkabuhayan sa 2019, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na patuloy na igigiit at palalawakin ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas. Aniya, nakahanda ang Tsina na isagawa ang pakikipagkooperasyon sa iba't-ibang bansa sa larangan ng inobasyon.
Mula Nobyembre 21 hanggang 22, idinaos sa Beijing ang 2019 New Economy Forum na may temang "Bagong Ekonomiya, Bagong Kinabukasan." Dumalo rito ang mga kinatawan mula sirkulong pulitikal at komersyal ng mahigit 60 bansa para talakayin ang tungkol sa mga pangunahing larangan ng inobasyon, tunguhin ng pag-unlad, at iba pa.
Sa kanyang pakikipagtagpo kina Henry Alfred Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika, at Henry Pulson, dating Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, tinukoy ni Xi na ang inobasyon ay mahalagang paksa ng kasalukuyang siglo. Aniya, walang anumang bansang maaring maging nag-iisang sentro ng inobasyon o mag-isang magtamasa ng bunga ng inobasyon.
Dagdag pa niya, bilang malaking bansa ng inobasyon, nakahanda ang Tsina na isagawa ang pakikipagkooperasyon sa iba't-ibang bansa sa daigdig na kinabibilangan ng Amerika, sa larangan ng inobasyon para makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng buong mundo.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |