Bangkok, Thailand, nilagdaan nitong Lunes, Nobyembre 25, 2019, nina Lv Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand, at Kobchai Sungsitthisawad, Pangalawang Ministro ng Industriya ng Thailand ang kasunduan ng Espesyal na Pondo ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) sa pagpapalitan at pagtutulungan sa mga patakarang industriyal.
Ayon sa kasunduan, magbibigay ang panig Tsino ng pondo sa panig Thai para tulungan ang huli na isagawa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa patakaran ng pag-unlad ng industriya, sa ilalim ng balangkas ng LMC. Pasusulungin ng nasabing proyekto ang sinerhiya ng industrial chain ng mga bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River, palalalimin ang kanilang production capacity, at tutulungan silang i-upgrade ang kabuhaya't industriya, at ihahatid ang benepisyo sa mga mamamayan sa Lancang-Mekong Sub Region.
Salin: Vera