|
||||||||
|
||
Bagan, Myanmar—Ginanap Miyerkeles, Pebrero 20, 2019 ang Workshop on Heritage Sites Managment in Lancang-Mekong Countries. Dumalo rito ang mga dalubhasa at iskolar ng mga departamento ng pangangalaga at pangangasiwa sa relikyang pangkultura mula sa 6 na bansang kinabibilangan ng Tsina, Myanmar, Laos, Thailand, Kambodya, at Biyetnam, para magpalitan ng kuru-kuro at karanasan sa pangangalaga at pangangasiwa sa pamanang kultural.
Si Aung Ko, Ministro ng mga Suliraning Panrelihyon at kultura ng Myanmar
Sa palagay ni Aung Ko, Ministro ng mga Suliraning Panrelihyon at kultura ng Myanmar, pawang may napakasaganang pamanang kultural ang 6 na bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River, at ang pagpapalitan ng karanasan sa apsekto ng pangangalaga at pangangasiwa sa pamanang kultural ay makakatulong sa pagpapalitang kultural ng nasabing 6 na bansa.
Si Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar
Ipinahayag naman ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na sa ilalim ng mabisang pagpapasulong ng mekanismo ng Lancang-Mekong Cooperation, magiging mas mahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Myanmar, sa larangan ng pangangalaga at restorasyon ng mga pamanang kultural. Ang ganitong kooperasyon ay mahalagang bahagi rin ng magkakasamang pagtatatag ng Belt and Road at economic corridor ng Tsina at Myanmar, dagdag niya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |