|
||||||||
|
||
Nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa bansa na ibayo pang magsikap para linangin ang bagong uri ng mga personaheng militar na may kakahayan at propesyonal.
Winika ito ni Xi sa pagbubukas ng sesyon ng pagsasanay ng mga puno ng akademiya at paaralang militar sa Beijing.
Si Pangulong Xi ay nagsisilbi rin bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa.
Upang mapalalim ang reporma't inobasyon ng mga akademiya't paaralang militar, ipinagdiinan ni Pangulong Xi ang mas malakas na pagsisikap para mapasulong ang disenyo sa mataas na lebel at pangmatagalang plano, magkaloob ng mas mabuting disiplinang akademiko, at linangin ang mga may-kakayahang guro, at ibigay ang mas malaking suporta.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |