|
||||||||
|
||
Gaganapin Oktubre 18 hanggang 27, 2019 sa Wuhan, lunsod ng probinsyang Hubei ng Tsina, ang 7th Conseil International du Sport Militaire (CISM) Military World Games. Sa sampung (10) araw na larong militar, ipapakita ang espesyal na kaakit-akit na proyektong pampalakasang militar at diwa ng Olimpiyada na "Mas mataas, Mas mabilis, at Mas malakas." Bukod dito, ipagkakaloob nito ang isang plataporma para mapalakas ang pagpapalitang pangkaibigan ng mga hukbo ng iba't-ibang bansa.
Sa pagtataguyod ng CISM o International Military Sports Council, ang World Military Games ay malaking komprehensibong palaro sa pinakamataas na antas ng mga sundalo sa buong daigdig. Idinaraos ito tuwing apat na taon.
Sa nasabing palaro, may 27 big events, at 329 na small events. Ayon sa estadistika, lalahok sa larong ito ang mga sundalong manlalaro mula sa mahigit 100 bansa sa daigdig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |