Isang araw bago ang Araw ng Hukbo, ipinahayag nitong Miyerkules, Hulyo 1 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagpapahalaga sa pagpapatupad ng estratehiya ng pagpapalakas ng militar sa pamamagitan ng reporma. Layon nitong itatag ang malakas na pambansang militar sa bagong panahon.
Ang Araw ng Hukbo na natatapat Agosto 1, ay itinakda bilang paggunita sa pagtatatag ng People's Liberation Army (PLA). Si Xi ay nagsisilbi rin bilang tagapangulo ng Central Military Commission ng Tsina.
Diin ni Xi, ang reporma ay dapat sumaklaw sa mga patakarang militar at institusyong militar. Sa proseso ng reporma, kailangang itakwil ang lumang kaisipan at kailangan itong nakabatay sa katotohanan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio