Napagpasiyahan nitong Miyerkules, Nobyembre 27 ng Tsina at Suriname na iangat ang kanilang ugnayan sa estratehikong partnership ng kooperasyon.
Ipinalabas ang nasabing kapasiyahan makaraang magtagpo sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dumadalaw na Pangulong Desire Bouterse ng Suriname.
Kapuwa ipinahayag ng dalawang lider ang kahandaang palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal, pasulungin ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan, palalimin ang pagpapalitang tao sa tao, at magkasamang pasulungin ang Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan.
Sumaksi rin ang dalawang pangulo sa paglalagda ng serye ng kasunduang pangkooperasyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac