Simulan ngayong araw, Martes, ika-30 ng Hulyo 2019, ang opisyal na pagpapairal ng Tsina ng bagong edisyon ng negative list para sa foreign investment market access at foreign investment encouraged catalogue list.
Kumpara sa dating mga listahan, mas kaunti ang aytem sa bagong negative list, lalung-lalo na, pinaluwag o inalis ang mga limitasyon sa mga sektor ng 7 malaking larangang gaya ng transportasyon, imprastruktura, kultura, value-added telecommunication, manupaktura, pagmimina, at agrikultura. Mas marami naman ang atyem sa bagong encouraged catalogue list, na nangangahulugang ang pamumuhunang dayuhan ay magtatamasa ng mga preperensyal na patakaran sa mas maraming industriya sa Tsina.
Ang pagpapalabas ng naturang mga listahan ay palatandaan ng ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas sa labas ng Tsina.
Salin: Liu Kai