![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Beijing — Idinaos nitong Biyernes, Nobyembre 29, 2019 ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-8 anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) — China Center (ACC). Dumalo rito sina Chen Xiaodong, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina, mga diplomata ng iba't-ibang bansang ASEAN sa Tsina, at mga panauhin mula sa iba't-ibang sirkulo ng lipunan.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Chen na pumasok na ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN sa bagong yugto ng komprehensibong pag-unlad. Aniya, dapat patuloy na magkakasamang magsikap ang Tsina at ASEAN para walang humpay na mapataas ang lebel ng kooperasyon at makapagbigay ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Chen Dehai, Pangkalahatang Kalihim ng ACC, na patuloy na susunod ang ACC sa tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN. Aniya, magsisikap ang ACC kasama ng iba't-ibang panig para makapagbigay ng mas malaking ambag sa pagpapasulong pa ng relasyong Sino-ASEAN.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |