|
||||||||
|
||
Sa ika-8 "Serye ng Talumpati ng mga Embahador ng ASEAN at Tsina" na idinaos nitong Huwebes, Abril 6, 2017, sa Qinghai University, lunsod ng Xi'ning ng Tsina, sinabi ni Soegeng Rahardjo, Embahador ng Indonesia sa Tsina, na ang patuloy na pag-unlad ng Tsina ay walang humpay na nakakapagpasulong sa kasaganaan at katatagan ng rehiyong ito. Nakahanda aniya ang Indonesia na sa pundasyon ng pagkakapantay-pantay, susulong ang mutuwal na kapakinabangan, at paggagalangan sa isa't-isa, patuloy na palalakasin ang partnership sa Tsina upang maisakatuparan ang komong pag-unlad.
Sinabi rin niya na ipinauuna ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina. Ang sustenableng pagpapasulong ng kooperasyong Sino-ASEAN sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, edukasyon, kultura, at turismo, ay nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan ng iba't-ibang bansa, aniya pa.
Ang nasabing aktibidad ay itinaguyod ng ASEAN-China Center (ACC).
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |