Inilabas kahapon, Linggo, Dec 1, 2019 ng Xinhua News Agency ng Tsina ang komentaryo bilang pagkondena sa pagsasabatas ng Amerika ng "Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019."
Anang komentaryo, ito ay hegemonismong aksyon ng Amerika sa pangangatwiran ng karapatang pantao at demokrasya. Layon nitong sirain ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, hamunin ang prinsipyong "Isang Bansa Dalawang Sistema," at hadlangan ang pag-unlad ng Hong Kong at Tsina.
Ayon pa rin sa komentaryo, hindi pahihintulutan ng Tsina ang sinumang puwersang dayuhan na gawin ang anumang maibigan sa Hong Kong. Isasagawa anito ng panig Tsino ang mga malakas na hakbangin bilang pagpigil at paglaban sa pakikialam ng puwersang dayuhan sa suliranin ng Hong Kong at pagsasagawa ng mga aksyong magwawatak, magpapabagsak, o isisira sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai