|
||||||||
|
||
Sa harap ng pagpigil sa karahasan at pagpapanumbalik ng kaayusang panlipunan sa Hong Kong, nilagdaan at isinabatas kamakailan ng panig Amerikano ang "Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019" na nagtatangkang suportahan ang mga marahas at radikal na kriminal, sirain ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, pigilan ang matagumpay na pagsasagawa ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema," at hadlangan ang prosesong historikal ng dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino. Hinding hindi ito pahihintulutan ng mga mamamayang Tsino.
Sa mahabang panahon, walang humpay na nanghihimasok ang panig Amerikano sa suliranin ng Hong Kong, at nakikipagsabwatan ito sa mga elementong nanggugulo sa Hong Kong. Nakikita sa maraming nagawa nitong nakasusuklam na aksyon na ang panig Amerikano ay pinakamalaking "bad hand" sa likod ng panggugulo sa Hong Kong. Ang masamang tangka nito ay paguluhin ang Hong Kong at pigilan ang pag-unlad ng Tsina.
Ngunit, hindi magpakailanma'y yuyukod ang mga mamamayang Tsino sa mga presyur mula sa labas. Ibayo pang natuklasan ng mga mamamayang Tsino ang masamang tangka at substansya ng hegemonya ng panig Amerikano sa pamamagitan ng nasabing batas.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |