Pinanguluhan kamakailan ni Li Keqiang, miyembro ng Standing Committee ng Political Bureau ng CPC Central Committee, Premier ng Konseho ng Estado, at pinuno ng National Leading Group sa Pagbabago ng Klima at Konserbasyon ng Enerhiya, ang pulong ng Leading Group.
Ayon kay Li, sa mga nakalipas na taon, ang iba't ibang mga departamento sa iba't ibang rehiyon ay aktibong nagpatupad ng mga bagong konsepto ng pag-unlad. Ang mga makabuluhang resulta ay nakamit sa paglaban sa pagbabago ng klima, pagtitipid sa paggamit ng enerhiya, at pagbabawas ng emisyon.
Sinabi rin ni Li na ang Tsina ay pinakamalaking umuunlad na bansa sa mundo, at ang problema ng hindi sapat at hindi balanseng pag-unlad ay umiiral pa rin. Patuloy na gumagawa ng mga pagsisikap ang pamahalaan upang matiyak na matupad ang pangako nito sa kasunduang pandaigdig na ang ibinubugang carbon dioxide at intensity ay bababa nang malaki sa taong 2030. Kasabay nito, ipinahayag niya ang kahandaan na makipagtulungan sa internasyunal na komunidad batay sa prinsipyo ng komon ngunit magkakaibang mga responsibilidad, prinsipyo ng pagkamakatarungan at kani-kanilang mga kakayahan. Aniya pa palalakasin ang kooperasyon, at sama-samang pangangalagaan ang UN Framework Convention on Climate Change at Paris Agreement. Dagdag ni Xi, itataguyod ang mga multilateral na negosasyon sa pagbabago ng klima upang ipakita ang mga pangangailangan ng mga umuunlad na bansa. Itataguyod din ang pag-unlad ng global na pamamahala ng klima sa isang mas patas at makatwirang direksyon.
Salin: George Guo