Isinabatas kamakailan ng panig Amerikano ang Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019. Sa masusing panahong nahaharap ang Hong Kong sa pagpigil sa kaguluhan at karahansan, at pagpapanumbalik ng kaayusan, ang ganitong kilos ng Amerika ay nagkakaloob ng kublihan para sa mga radikal, babala sa mga makatarungang personaheng nangangalaga sa kaayusan ng pangangasiwa alinsunod sa batas, at nagbibigay ng suporta sa mga ilegal at marahas na aksyon ng mga radikal. Malinaw na malinaw ang tangka ng panig Amerikano na manggulo sa Hong Kong at hadlangan ang pag-unlad ng Tsina.
Ang National Endowment for Democracy (NED) ng Amerika ay isang magandang halimbawa. Nitong nakalipas na maraming taon, inilunsad ng NED ang "color revolution" sa iba't ibang sulok ng mundo, at nilikha ang kaguluhan sa mahigit 100 bansa't rehiyon. Sa kaguluhan ng Hong Kong, binigyan ng tulong na pondo ng NED ang mga radikal. Sa katwiran ng karapatang pantao at demokrasya, sumusuporta ito sa kaguluhan at karahansan sa iba't ibang lugar.
Pagkaraan ng ilang buwang kaguluhan, kailangang kailangan ang pagpapanumbalik ng katatagan at kaayusan ng Hong Kong. Pero salungat sa galaw ng panahon, hindi lamang nanggugulo sa Hong Kong ang ilang pulitikong Amerikano, kundi nagbibigay-tulong din sa pagkalat ng karahasan sa ibang lugar ng daigdig. Ang pagsuporta ng panig Amerikano sa karahasan at panggugulo sa Hong Kong ay tiyak na tututulan ng 1.4 bilyong mamamayang Tsino na kinabibilangan ng mga kababayan ng Hong Kong at komunidad ng daigdig.
Salin: Vera