|
||||||||
|
||
Nitong nakalipas na ilang araw, tinukoy ng mga personahe ng maraming bansa na ang pagsasabatas ng Amerika sa Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019 ay, sa katunayan, hegemonistikong aksyon at pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina, sa katwiran ng karapatang pantao at demokrasya. Layon nito anilang pigilan ang pag-unlad ng Tsina. Anila pa, ito ay grabeng probokasyon laban sa mga mamamayang Tsino, at nagpapakita rin ng hegemonistikong esensya ng Amerika.
Si Maxime Vivas, isang manunulat na Pranses
Sinabi ni Maxime Vivas, isang manunulat na Pranses, na malinaw na nakikitang nakikialam ang Amerika sa mga suliraning panloob ng Tsina. Kaya kailangan aniyang muling ipagdiinan na ang Hong Kong ay bahagi ng Tsina.
Si Dr. Michael Borchmann, dating Direktor ng Departamento ng mga Suliraning Pandaigdig ng Estadong Hessen ng Alemanya
Ipinahayag naman ni Dr. Michael Borchmann, dating Direktor ng Departamento ng mga Suliraning Pandaigdig ng Estadong Hessen ng Alemanya, na mapusok at mapangyurak sa dignidad ang panukala ng Amerika na may kinalaman sa Hong Kong. Aniya, malapit sa Rusya ang Alemanya, at kapag nararating ng dalawang bansa ang kasunduan sa kalakalan, nagbabala sa Alemanya ang Amerika, bagay na nagdulot din ng kapinsalaan sa Europa.
Si Silvia Menegazzi, Propesor ng Luiss University of Rome
Ayon naman kay Silvia Menegazzi, Propesor ng Luiss University of Rome, na ang di-pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa ay pundamental na norma ng paghawak sa relasyong pandaigdig. Sa kasalukuyan, ang pinakapangkagipitang tungkulin sa Hong Kong ay pagsasagawa ng hakbangin para pigilan ang karahasan, dagdag niya.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |