Patuloy ang ilang personahe mula sa mga sirkulo ng Hong Kong sa pagtutol sa pagsasabatas ng Amerika ng "Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019."
Ipinalalagay ni Lam Lung On, Presidente ng Hong Kong Chinese Importers' and Exporters' Association, na sa pamamagitan ng naturang batas, tangka ng Amerika na alisin ang katayuan ng Hong Kong bilang "separate customs territory." Ito aniya ay magpapahina ng kahigtan ng Hong Kong bilang pandaigdig na sentro ng kalakalan, pinansyo, at nabigasyon, pero makakaapekto rin ito sa kapakanan ng mga kompanyang Amerikano sa Hong Kong.
Sinabi naman ni Lau Siu-kai, Propesor ng Chinese University of Hong Kong, na ang naturang lehislasyon ng Amerika ay magbibigay-suporta at manunulsol sa mga demonstrador ng Hong Kong, at ito ay malaking banta sa pambansang seguridad ng Tsina. Dapat aniyang isagawa ng panig Tsino ang mga malakas na hakbangin bilang tugon.
Salin: Liu Kai