|
||||||||
|
||
Nitong ilang araw na nakalipas, sa kabila ng matinding pagtutol ng panig Tsino, isinabatas ng panig Amerikano ang "Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019." Sinisira ng aksyong ito ng Amerika ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, at nakakapinsala sa sariling kapakanan ng panig Amerikano at kapakanan ng komunidad ng daigdig. Sa harap ng matatag na determinasyon ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol sa kapakanan ng soberanya, seguridad, at kaunlaran ng estado, hinding hindi magtatagumpay ang masamang tangka ng panig Amerikano na manggulo sa Hong Kong at pigilan ang pag-unlad ng Tsina.
Sapul nang umakyat sa poder ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano, iginigiit ng ilang politikong Amerikano na kontra-Tsina ang "Cold War Mentality" at hegemonya, at pinag-iibayo nila ang pagpigil sa Tsina. Ngunit, talagang minamaliit ng panig Amerikano ang buong tatag na determinasyon ng mga mamamayang Tsino sa pangangalaga sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, at minamaliit din nito ang kakayahan at pamamaraan ng mga mamamayang Tsino sa pangangalaga sa kapakanan ng soberanya, seguridad, at kaunlaran ng estado.
Bilang tugon sa walang galang na aksyon ng panig Amerikano, inilabas na ng panig Tsino ang mga anti-measures, at isasagawa pa nito ang ibayo pang kinakailangang hakbang batay sa galaw ng kalagayan. Pinapayuhan din ng panig Tsino ang ilang politikong Amerikano na agarang itigil ang mga political tricks, at itakwil ang pagtatangka nitong gamitin ang isyu ng Hong Kong para pigilan ang pag-unlad ng Tsina.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |