|
||||||||
|
||
Pumunta nitong Miyerkules, Disyembre 4, 2019 si Huang Xilian, bagong Embahador ng Tsina sa Pilipinas, sa Malacanang para isumite ang kredensyal kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Pagkatapos nito, sa kanyang pakikipagtagpo kay Huang, ipinahayag ni Duterte na sapul nang umakyat siya sa poder ng kapangyarihan, buong tatag na iginigiit ng pamahalaang Pilipino ang nagsasariling patakarang diplomatiko, at iginigiit ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina. Aniya, mabilis na umuunlad ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, at ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Pilipinas. Ipinagkakaloob ng Tsina ang maraming tulong sa Pilipinas, at malaking ambag ang ibinibigay ng Tsina para sa pag-unlad ng imprastruktura ng Pilipinas, dagdag niya.
Ipinaabot naman ni Huang ang pangungumusta ni Pangulong Xi Jinping kay Duterte. Ipinahayag niya na ang susunod na taon ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas. Dapat aniyang puspusang isakatuparan ang narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa para walang humpay na mapalawak at mapalalim ang pragmatikong kooperasyong Sino-Pilipino sa iba't-ibang larangan.
Dagdag ni Huang, tulad ng dati, patuloy na kakatigan ng panig Tsino ang ginagawang pagsisikap ng Pilipinas sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan upang mapasulong pa ang malusog at matatag na pag-unlad ng komprehensibo't estratehikong relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |