Pagkaraang ilabas ang Fighting Terrorism in Xinjiang, unang video documentary hinggil sa paglaban sa terorismo sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina, inilabas kahapon, Sabado, ika-7 ng Disyembre 2019, ng China Global Television Network (CGTN) ang ikalawang video documentary na may pamagat na The Black Hand -- ETIM and Terrorism in Xinjiang.
Ayon sa dokumentaryo, ang ETIM o East Turkistan Islamic Movement, ay itinuturing na isang teroristikong organisasyon ng United Nations. Nitong ilang dekadang nakalipas, ang grupong ito ay nagkaroon ng mahigpit na kinalaman sa mga pandaigdig na organisasyong teroristiko, at gumawa ng maraming teroristikong pag-atake na naglalayong ihiwalay ang Xinjiang mula sa Tsina.
Isinagawa minsan ng ETIM ang malawakang pangangalap ng mga tao sa Xinjiang at ibang mga lugar sa loob at labas ng Tsina, at sinanay sila para maging terorista. Pinalalaganap din nito ang ideolohiyang radikal na humahantong sa kaguluhan sa iba't ibang bansa ng daigdig.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinunyag sa dokumentaryo ang mga video footage ng panayam sa mga miyembro ng ETIM at maykagagawan ng mga aktibidad na teroristiko. Ibinunyag din ang mga video na ginamit ng ETIM para sa pangangalap ng mga tao.
Salin: Liu Kai