Nitong nakalipas na ilang araw, inilabas ng China Global Television Network (CGTN) ang dalawang dokumentaryo sa wikang Ingles hinggil sa paglaban ng Xinjiang sa terorismo. Sinariwa ng unang dokumentaryo ang ilang orihinal na video ng mga insidenteng gaya ng insidenteng naganap sa Urumqi noong Hulyo 5 ng 2009, marahas at teroristikong kaso na naganap sa Beijing noong Oktubre 28 ng 2013, at marahas at teroristikong kaso na nangyari sa Kunming noong Marso 1 ng 2014. Sa pamamagitan ng mga katotohanan, ibinunyag naman ng isa pang dokumentaryo ang iba't ibang krimeng ginawa ng teroristikong organisasyon na East Turkistan Islamic Movement (ETIM) sa Xinjiang. Pero, liban sa mga media na gaya ng Radio France International, bihira ang kompletong pagbabahagi at pagkokober ng mga pangunahing media ng mga bansang kanluranin tungkol sa nasabing dalawang dokumentaryo.
Ang isyung may kinalaman sa Xinjiang ay isyu ng paglaban sa karahasan, terorismo at separatismo, sa halip na isyu ng nasyonalidad, relihiyon at karapatang pantao. Hindi pinahahalagahan ng ilang media at pulitikong kanluranin ang marahas at teroristikong bantang sumasalanta sa Xinjiang, at tangka nilang dungisan at watak-watakin ang Tsina, sa katwiran ng umano'y karapatang pantao, demokrasya at kalayaan. Nagpapadala ito ng maling signal sa mga terorista, at tiyak na aanihin nila ang masamang bungang dulot nito.
Salin: Vera