|
||||||||
|
||
Sa kabila ng matinding pagtutol ng panig Tsino, lantarang pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang "Uyghur Human Rights Policy Act of 2019." Ipinalalagay ng komunidad ng daigdig na ang aksyong ito ay malubhang panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina, sinasadyang pagdungis sa kalagayan ng karapatang pantao ng Xinjiang, at pagsira sa ginagawang pagsisikap ng Tsina laban sa terorismo at de-radikalisasyon. Ito anila ay nagbubunyag ng "double standards" ng Amerika sa isyu ng paglaban sa terorismo.
Sa isang pahayag na inilabas ng Syria, sinabi nito na ang nasabing aksyon ng Amerika ay lumalabag sa pandaigdigang batas. Ito anito ay lantarang panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina. Ang puspusang pagbibigay-dagok ng pamahalaang Tsino sa "Tatlong Puwersa (Terorismo, Separatismo, at Ekstrimismo)" ay nakakapagbigay ng ambag para sa pandaigdigang usapin ng paglaban sa terorismo.
Inanunsyo rin ng Ministring Panlabas ng Iran na ang panghihimasok sa suliraning panloob ng soberanong bansa ay nagiging "madalas" na kilos ng Amerika. Anito, walang anumang kuwalipikasyon ang Amerika na magpahayag ng kung sanu-ano tungkol sa isyu ng karapatang pantao, lahi, at mga suliraning panrelihiyon ng mga ibang bansa.
Sinabi ni Sonia Bressler, ekspertong Pranses sa isyu ng Tsina, na ang Xinjiang ay isang lugar kung saan maharmoniyang nakikipamuhayan ang maraming nasyonalidad. Aniya, ang "karapatang pantao" ay isang kagamitan lamang ng Amerika sa pagliligaw ng opinyong publiko.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |