Ayon sa taunang Sentral na Pulong sa Gawaing Pangkabuhayan ng Tsina na ipininid kahapon, Huwebes, ika-12 ng Disyembre 2019, matatag at mabuti ang takbo ng kabuhayang Tsino.
Ayon sa pulong, sa taong 2019, malusog ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, kapansin-pansin ang bunga ng pagbabawas ng kahirapan, maganda ang pagkontrol sa mga panganib na pinansyal, patuloy na napabuti ang kapaligirang ekolohikal, isinagawa ang mga mahalagang hakbangin ng reporma at pagbubukas sa labas, at nasa iskedyul ang pagsasakatuparan ng mga target ng ika-13 panlimahang-taong plano ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa.
Salin: Liu Kai