Sa pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina kamakailan, iniharap nito ang kahilingan sa pagpapabuti ng gawain sa paggarantiya sa katatagan sa anim na aspektong kinabibilangan ng hanap-buhay, pinansya, kalakalang panlabas, puhunang dayuhan, pamumuhunan, at pagtaya ng kabuhayan, bagay na nakatakda sa roadmap para sa paggalaw ng kabuhayang Tsino sa susunod na taon.
Sa kasalukuyan, umuusbong ang unilateralismo at proteksyonismo sa daigdig. Nasa masusing panahon ng pagsasaayos sa estruktura at paglilipat ng lakas-panulak ang kabuhayang Tsino. May mahalagang katuturan ang gawain ng paggarantiya sa katatagan sa nasabing anim na aspekto, upang panatilihin sa makatwirang antas ang takbo ng kabuhayan, igarantiya ang komprehensibong pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan, at kasiya-siyang maisakatuparan ang mga target ng ika-13 panlimahang taong plano hinggil sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ng Tsina.
Salin: Vera