Isinapubliko nitong Miyerkules, Nobyembre 20, 2019 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina ang Ika-4 na National Economic Census kung saan komprehensibong sinusuri ang tunay na kalagayan ng ika-2 at ika-3 industriya ng bansa at sistematikong ipinakikita ang kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina.
Ayon kay Xian Zude, Pangalawang Puno ng nasabing kawanihang Tsino, ang pangunahing layon ng pagsasagawa ng Ika-4 na National Economic Census ay komprehensibong imbestigahan ang saklaw ng pag-unlad ng ika-2 at ika-3 industriya ng bansa, alamin ang mga organisasyon, estruktura, teknolohiya, at kayarian ng nasabing mga industriya, at alamin ang kalagayan ng pag-unlad ng mga bagong-sibol na industriya, ibayo pang imbestigahan at alamin ang pundamental na kalagayan at kilos ekonomiko ng iba't-ibang uri ng departamento. Ang mga ito ay magkakaloob ng tumpak na data support para komprehensibong ipakita ang bagong proseso ng pag-unlad ng reporma, mapalakas at mapabuti ang makro-kontrol, mapalalim ang reporma, at siyentipikong balangkasin ang middle-long term development plan ng bansa.
Salin: Li Feng