Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyong pangkalusugan sa iba't ibang aspekto, palalakasin ng Tsina, Hapon, at Timog Korea

(GMT+08:00) 2019-12-15 14:27:50       CRI

Idinaos ngayong araw, Linggo, ika-15 ng Disyembre 2019, sa Seoul, Timog Korea, ang Ika-12 Pulong ng mga Ministro ng Kalusugan ng Tsina, Hapon, at Timog Korea.

Nagpalitan ang mga kalahok hinggil sa mga gawain at karanasan sa pagpigil at pagkontrol sa mga nakahahawang sakit, pagpapalawak ng serbisyong medikal sa mga mamamayan, at pagpapalakas ng kalusugan ng matatanda.

Sinang-ayunan ng mga ministro ng kalusugan ng tatlong bansa, na isumite ang deklarasyon hinggil sa kooperasyon sa pagpapalakas ng kalusugan ng matatanda sa Summit ng Tsina, Hapon, at Timog Korea para suriin. Nilagdaan din nila ang pinalawig na plano ng aksyon ng magkakasamang pagpigil at pagkontrol sa mga nakahahawang sakit.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>