Idaraos Disyembre 24, 2019, sa lunsod Chengdu ng Sichuan, ang Ika-8 Pulong ng mga Lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea.
Sa preskong ngayong araw, isiniwalat ni Luo Zhaohui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina na may pag-asang ipapalabas sa pulong ang "Pagtanaw sa Kooperasyon ng Tsina, Hapon at Timog Korea sa Darating na 10 Taon." Ito aniya ay gagawa ng mataas na klaseng disenyo na panghinaharap. Nananalig ang Tsina na tiyak na pabubutihin ng pulong ang aktuwal na kooperasyon tatlong bansa, pasusulungin ang talastasan sa malayang sonang pangkalakalan, at ipapadala ang positibong signal ng magkakasamang pangangalaga ng tatlong panig sa multilateralismo at malayang kalakalan, diin niya.
Salin:Sarah