Chengdu — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Lunes ng gabi, Disyembre 23, 2019 kay Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, ipinagdiinan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagsisimula ng kooperasyon ng Tsina, Hapon, at Timog Korea. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng Timog Korea at Hapon, para proteksyunan ang multilateralismo at malayang kalakalan, magkakasamang mapasulong ang paglalagda sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa lalong madaling panahon, at mapasulong ang pagtatamo ng talastasan ng tatlong bansa tungkol sa malayang sonang pangkalakalan ng substansyal na progreso.
Ipinahayag naman ni Moon Jae-in ang kahandaan ng Timog Korea na palakasin ang estratehikong pakikipag-ugnayan sa Tsina para mapalalim ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng palakasan, kultura, at turismo.
Salin: Li Feng