Chengdu — Sa kanyang pagdalo Martes, Disyembre 24, 2019 sa ika-7 Business Summit ng Tsina, Hapon, at Timog Korea, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, ang Tsina ay may napakalaking pamilihan, at nakapasok sa yugto ng napakabilis na paglaki ang pangangailangan ng halos 1.4 bilyong mamamayang Tsino sa de-kalidad na produkto at serbisyo, partikular na sa mga larangang tulad ng pag-aalaga sa mga matatanda at sanggol, at kalusugan, labis na kinakailangan ang pagdaragdag ng suplay ng kaukulang serbisyo.
Sinabi ng premyer Tsino na sa aspektong ito, may namumukod na bentahe ang mga kompanya ng Timog Korea at Hapon. sinusuportahan aniya ng Tsina ang pagsasagawa ng mga kompanya ng naturang dalawang bansa ng negosyo sa Tsina.
Salin: Li Feng