Ipininid kahapon, Sabado, ika-28 ng Disyembre 2019, sa Beijing, ang ika-15 pulong ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), kataas-taasang lehislatura ng Tsina, kung saan pinagtibay ang ilang bago at rebisadong batas.
Isa sa mga pangunahing bagong batas ay hinggil sa basic medical at health care, na pormal na paiiralin sa Hunyo 1, 2020. Ito ang kauna-unahang pundamental at komprehensibong batas ng Tsina sa aspekto ng serbisyong medikal at pangkalusugan. Magbibigay ito ng pambatas na garantiya sa mga karapatan at kapakanang pangkalusugan ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai