Sa taong 2019, muling natapos ng Tsina ang tungkulin sa pag-ahon ng mahigit 10 milyong mamamayan mula sa kahirapan, at ayon sa pagtaya, nai-ahon na mula sa kahirapan ang lampas sa 95% mahihirap na Tsino. Pinapabilis ng Tsina ang hakbang tungo sa pag-ahon ng lahat ng mga mahirap na mamamayan, at komprehensibong pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan.
Sa kasalukuyan, mahigit 700 milyon ang bilang ng mahihirap sa buong mundo. Ang mga kaisipan at hakbangin ng Tsina na gaya ng industrial targeted poverty alleviation at pagsasagawa ng tamang-tamang hakbangin sa pag-ahon sa kahirapan ay nagkaloob ng karanasan para sa usapin ng pag-ahon sa kahirapan ng mga umuunlad na bansa, at malawakan itong kinikilala ng komunidad ng daigdig.
Bukod sa pagkakaloob ng mga karanasan at kaisipan, ipinagkakaloob ng Tsina, sa abot ng makakaya, ang tulong na walang karagdagang pasubaling pulitikal sa ibang umuunlad na bansa. Sa proseso ng pagbubukas sa labas, pinag-ukulan ng mas malaking pansin ng Tsina ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at tinulungan ang ibang umuunlad na bansa na magpataas ng kakayahan sa sustenableng pag-unlad. Ayon sa ulat ng World Bank, sanhi ng Belt and Road Initiative, 7.6 milyong mamamayan ng kaukulang bansa ang mai-aahon sa napakahirap na kondisyon, at 32 milyon naman ang mai-aahon sa katam-tamang lebel ng kahirapan. Ang pagsisikap ng Tsina sa pag-ahon sa kahirapan ay nagpapakita ng responsibilidad ng isang malaking umuunlad na bansa sa pagpapasulong sa pandaigdigang usapin ng pagpawi ng kahirapan.
Sa taong 2020, komprehensibong itatatag ng Tsina ang may kaginhawahang lipunan. Ito ay hindi lamang magiging himala sa kasaysayan ng pagpawi sa kahirapan ng sangkatauhan, kundi magpapasigla rin ng kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa pagtatagumpay laban sa kahirapan.
Salin: Vera