|
||||||||
|
||
Ipinadala Martes, Disyembre 31, 2019 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mensaheng pambagong-taon sa isa't-isa.
Sa mensahe, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot ni Xi ang taos-pusong pagbati kay Pangulong Putin at mga mamamayang Ruso. Ani Xi, sa taong 2019, nilagdaan at ipinalabas ng dalawang bansa ang magkasanib na pahayag tungkol sa pagpapalakas ng estratehikong katatagan sa kasalukuyang daigdig. Ito aniya ay nagpapakita ng matatag na determinasyon ng dalawang bansa sa magkasamang pangangalaga sa estratehikong katatagan ng buong mundo.
Sinabi ni Xi na sa magtatapos na 2019, natamo ng Tsina at Rusya ang kapansin-pansing bunga sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, enerhiya, kultura, siyensiya't teknolohiya. Ito ay nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, at nakakapagbigay ng napakalaking ambag para sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig, dagdag niya.
Sa kanya naming mensahe, bumati si Putin ng Manigong Bagong Taon kay Xi at mga mamamayang Tsino. Ipinahayag niya na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap sa 2019, natamo ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa ang napakalaking progreso. Nananalig aniya siyang sa magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, walang humpay na susulong ang komprehensibong kooperasyong Ruso-Sino at konstruktibong pagtutulungan sa mga suliraning pandaigdig.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |