|
||||||||
|
||
Ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya. Sa taong ito, madalas na nagtagpo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya. Sa harap ng mabilis na pagbabago ng kayariang pandaigdig, magkasama at puspusang nagsisikap ang Tsina at Rusya para sa pagtatatag ng Komunidad ng Pinagbabahaginang Kapalaran ng Buong Sangkatauhan.
Noong nagdaang Abril ng taong ito, sa pagtatagpo ni Xi at Putin sa Beijing, lubos na pinapurihan ng una ang relasyong Sino-Ruso. Noong nagdaang Hunyo, sa kanyang biyahe sa Rusya, magkasamang lumagda sina Xi at Putin sa magkasanib na anunsyo tungkol sa pagpapaunlad ng komprehensibo't estratehikong partnership sa bagong siglo at pagpapalakas ng kasalukuyang estratehikong katatagan sa buong mundo, bagay na nagpasimula ng bagong siglo ng relasyong Sino-Ruso.
Bunga ng mahigpit na pagpapalagayan at estratehikong patnubay ng dalawang lider, natamo ng relasyong Sino-Ruso ang kapansin-pansing bunga. Noong unang dako ng Disyembre, 2019, sa video meeting nina Xi at Putin, magkasama silang sumaksi sa pagsasaoperasyon ng natural gas pipeline ng Tsina at Rusya sa silangang ruta. Bukod dito, matatag na isinusulong ang mga malalaking proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Nang balik-tanawin ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina ang diplomasyang Tsino sa taong ito, lubos niyang pinapurihan ang relasyong Sino-Ruso na nagsisilbing pinakamahigpit, pinakamatibay, pinakamahusay, at pinakamatatag na relasyon ng malalaking bansa.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |