|
||||||||
|
||
Bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republikang Bayan ng Tsina (PRC) at ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya, isasahimpapawid Lunes, Setyembre 30, 2019 sa Documentary Channel ng China Central Television (CCTV) ang dokumentaryong "Muling Pagsilang" na magkasamang ginawa ng All-Russia State Television and Radio Broadcasting Company (RTR) at China Media Group (CMG). Isasahimpapawid sa araw ring ito ang naturang dokumentaryo sa Golden Time sa RTR.
Kalagayan ng Beijing nitong nakaraang 70 taon
Maraming video clip ng nasabing dokumentaryo ay ibubunyag sa unang pagkakataon. Ginamit ng photographer ng dating Soviet Union ang mahigit kalahating taon para makuha ang mahahalagang video material para gawin ang dokumentaryong ito. Kabilang sa video ang seremonya ng pagkakatatag ng estado, unang Pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) makaraang maitatag ang estado, mga maligayang mamamayan ng Beijing, at iba pa. Makikita rito ang kalagayan ng isang masiglang Tsina sa iba't-ibang aspekto, sa mata ng isang Soviet photographer.
Halos 500 libong mamamayan ang nagtipun-tipon sa Tian'anmen Square para sa selebrasyon ng pagkakatatag ng PRC
Sa sanhing historikal, tinatakan ng mga "70 taon" ang naturang mga mahalagang materyal. Sa ilalim ng puspusang pagkatig ng panig Ruso, nagtulungan ang RTR at CMG para isapubliko sa kauna-unahang pagkakataon, ang nasabing dokumentaryo.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |