Sinabi kamakailan ni Phinij Jarusombat, dating Pangalawang Punong Ministro at Tagapangulo ng Komisyon ng Pagpapasulong sa Kultura ng Tsina at Thailand, na sa bating pambagong taon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ipinagdiinan niya ang kahalagahan ng magkasamang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at aktibong pakikisangkot sa kooperasyong pandagidig. Aniya, napakaganda nito para sa buong mundo, dahil mapapasulong nito ang pagkakaisa ng sangkatauhan para umunlad tungo sa mas magandang kinabukasan.
Hinangaan din niya ang nilalaman ng nasabing bating pambagong taon hinggil sa target ng pagpawi ng kahirapan. Nananalig aniya siyang pananaigan ng Tsina ang iba't ibang hamon, at isasakatuparan ang target ng pag-aahon ng lahat ng mahihirap na mamamayan.
Dagdag niya, si Pangulong Xi Jinping ay isang namumukod na lider na may impluwensiyang pandaigdig. Siya ay matalino at responsable, matapat sa kanyang inang bayan at sarili niyang tungkulin, at obligasyon, tasa ni Jarusombat.
Salin: Vera