|
||||||||
|
||
Helsinki — Ipinahayag nitong Lunes, Agosto 19, 2019, ni Mohammad Javad Zarif, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Iran, na kasalukuyang tinutupad pa rin ng kanyang bansa ang umiiral na komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran. Nakahanda aniya ang Iran na makipagdiyalogo sa mga kaukulang panig sa isyung ito.
Sa isang preskong idinaos pagkatapos ng pag-uusap nang araw ring iyon nina Zarif at Ministrong Panlabas Pekka Haavisto ng Finland, sinabi ng una na nang lumagda ang Iran sa nasabing kasunduan noong 2015, malinaw itong nagpakita ng mithiin ng kooperasyon. Aniya, kahit pagkatapos ay unilateral na tumalikod ang Amerika sa kasunduan, tuluyan nang tutupdin ng Iran ang mga probisyon ng kasunduang ito.
Dagdag pa niya, isang magandang kasunduan ang nilagdaan noong 2015, at dapat tupdin ito ng pamahalaang Amerikano.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |