Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Hong Kong, hindi pawn o pamato ng ilang pulitikong dayuhan

(GMT+08:00) 2020-01-03 11:54:13       CRI

Nitong nakalipas na ilang araw, magkakasanib na nagpadala ng liham kay Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang ilang pulitikong dayuhan, at lantaran silang nakialam sa mga suliranin ng Hong Kong. Upang manggulo sa Hong Kong at humadlang sa pag-unlad ng Tsina, ginamit ng ilang pulitikong dayuhan ang iba't ibang paraan, at ang nasabing liham ay isa pang bagong kilos nila na naglalayong magpataw ng presyur sa pamahalaan ng HKSAR, at makialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.

Di-totoo ang lahat ng mga akusasyon sa naturang liham. Nagbulag-bulagan ang ilang pulitikong dayuhan sa karahasan ng mga radikal, sa halip, binatikos nila ang legal na aksyon ng pagpapatupad ng batas ng mga pulis ng Hong Kong. Talagang binaligtad nila ang tama at mali. Sa katunayan, laging nagtitimpi ang mga pulis ng Hong Kong, at pinanumbalik nila ang kaayusan ng lipunan, sa pamamagitan ng pinakakaunting sandatahang lakas.

Higit sa lahat, iniharap ng naturang mga pulitikong dayuhan ang di-makatwirang kahilingan na itayo ng komunidad ng daigdig ang pandaigdigang nagsasariling mekanismo ng imbestigasyon, para imbestigahan ang pagpapatupad ng batas ng mga pulis ng Hong Kong. Ang Hong Kong ay nabibilang sa Tsina, walang anumang kuwalipikasyon ang puwersang panlabas na magsagawa ng umano'y imbestigasyon sa mga suliraning panloob ng Tsina!

May lubos na kakayahan ang Tsina sa pangangalaga sa kasaganaan at katatagan ng HKSAR. Dapat maintindihan ng ilang pulitikong dayuhan ang kalagayan, at itigil ang walang pasubaling pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong. Hinding hindi magsisilbing pamato nila ang Hong Kong para sa pagtutulak ng sarili nilang interes.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>