Nitong Huwebes, Enero 2, 2020, nilagdaan ni Xi Jinping, Pangulo ng bansa at Tagapangulo ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang mobilization order o kautusan ng pagpapakilos para sa pagsasanay ng mga hukbong sandatahan. Ito ang kauna-unahang kautusan ng Central Military Commission sa taong 2020.
Sa nasabing kautusan, ipinagdiinan ni Xi ang pagpapalakas ng pagsasanay-militar sa makatotohanang kalagayan ng labanan. Hiniling din niya na panatilihin ng mga hukbo ang pagmamatyag sa mataas na antas, at maghanda para sa lahat ng mga sandaling kinakailangan.
Hiniling ng nasabing kautusan na palakasin ang pagsasanay sa ilalim ng magkasanib na utos, at pag-isahin ang bagong hukbo sa pinagsanib na sistema ng operasyon.
Dapat ding palakasin ang force-on-force training, at pabutihin ang sistema ng pagsusuri at pagtasa, ayon sa kautusang ito.
Salin: Vera