|
||||||||
|
||
Hinimok kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga organo ng pag-awdit ng bansa na lubos na isabalikat ang tungkulin nila, at pabutihin ang mekanismo ng pag-awdit.
Winika ito ni Xi sa kanyang patnubay sa mga namumukod na institusyon at indibiduwal sa sirkulo ng pag-awdit ng bansa.
Diin ni Xi, ang mga organo ng pag-awdit ay nagpapatingkad ng mahalagang papel sa pagpapatupad ng mga patakaran ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pagsasakatuparan ng "tatlong pangunahing misyon" ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan, tulad ng pagpigil at pagresolba sa mga panganib, pagsasagawa ng tamang-tamang hakbangin sa pagpawi sa kahirapan, at pagpigil at pagsasaayos sa polusyon, pagpapanatili ng kaayusang piskal at ekonomiko, paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at pagpapasulong sa pagtatatag ng isang malinis na pamahalaan.
Humiling si Xi sa mga organo ng pag-awdit na igiit ang pag-awdit alinsunod sa batas, kompletuhin ang mekanismo ng pag-awdit, at gawin ang mas malaking ambag para sa modernisasyon ng sistema at kakayahan ng bansa sa pangangasiwa.
Nitong Huwebes, Enero, 2, 2019, nakipagtagpo sina, Li Keqiang Premyer ng bansa at Pangalawang Puno ng Central Auditing Committee ng Tsina, at Zhao Leji, Kalihim ng Central Commission for Discipline Inspection ng CPC at Pangalawang Puno ng Central Auditing Committee, sa mga namumukod na instituto at indibiduwal ng sirkulo ng pag-awdit ng bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |