Kinumpirma nitong Huwebes ng gabi, Enero 2 (local time), 2020 ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Amerika na sa isang operasyong ginawa madaling araw sa Baghdad, kabisera ng Iraq, pinatay ng puwersang militar ng Amerika si Qasem Soleimani, komander ng Quds Force ng Islamic Revolution Guard Corps ng Iran. Nangako naman si Grand Ayatollah Seyyed Ali Khamenei, Kataas-taasang lider ng Iran, na magsagawa ng matinding ganting-salakay. Sa panahong ito, nagiging mas malala ang relasyon ng Amerika at Iran, at mas maligalig ang masalimuot na situwasyon sa Gitnang Silangan.
Ang kaguluhan sa rehiyong Gitnang Silangan sa mahabang panahon ay naunang nagpapatunay na ang dahas ay nagdudulot lamang ng walang katapusang galit at ganting-salakay. Palalalain lamang ng dahas ang tensyon ng situwasyon sa halip ng pagresolba sa isyu. Kung pananatilihin lamang ng iba't-ibang kaukulang panig, partikular na Amerika, ang pagtitimpi, at totohanang tutupdin ang layunin at prinsipyo ng "UN Chater" at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, maiiwasan ang ibayo pang paglala ng tensyon ng situwasyon at mapapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong Gitnang Silangan.
Salin: Li Feng