|
||||||||
|
||
Mula noong unang araw ng Enero, 2020, opisyal na nanungkulan ang Rusya bilang bansang tagapangulo ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa), at iniharap nito ang ilang mungkahi tungkol sa kooperasyon ng BRICS sa hinaharap.
Ipinahayag nitong Biyernes, Enero 3, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na inaasahan ng panig Tsino ang pagtatamo ng BRICS cooperation ng mga bagong progreso at bunga sa "Taon ng Rusya."
Tinukoy ni Geng na nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalalim ang pragmatikong kooperasyon ng mga bansang BRICS, sustenableng tumataas ang impluwensiya nito, at nagsisilbing itong pahalaga nang pahalagang puwersa sa mga suliraning pandaigdig. Aniya, puspusang kakatigan ng Tsina ang mga gawain ng Rusya bilang bansang tagapangulo ng BRICS.
Ayon sa plano, idaraos sa Saint Petersburg sa darating na Hulyo ng kasalukuyang taon ang Ika-12 Pagtatagpo ng mga Lider ng mga Bansang BRICS.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |