Ginanap nitong Huwebes, Nobyembre 14, 2019 sa Brasilia, Brazil ang diyalogo sa pagitan ng mga lider ng BRICS (Brazil, Rusya, India, China at South Africa), BRICS Business Council at New Development Bank. Dumalo sa nasabing diyalogo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Pangulong Jair Bolsonaro ng Brazil, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Punong Ministro Narendra Modi ng India at Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika.
Sa kanyang talumpati sa diyalogo, binigyan ni Xi ng lubos na pagpapahalaga ang mga gawain ng Business Council at New Development Bank. Hinimok niya ang nasabing dalawang organo na gawin ang mas malaking ambag para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng BRICS, mga bagong sibol na pamilihan at mga umuunlad na bansa.
Diin ni Xi, dapat malalimang isagawa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng inobasyon at digital economy, palakasin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordina sa mga mekanismong pangkooperasyon sa loob at labas ng BRICS, at tulungan ang iba't ibang bansa na walang humpay na pabutihin ang kapaligirang pangnegosyo.
Salin: Vera