Nakipagtagpo kahapon, Lunes, ika-6 ng Enero 2020, sa Beijing, si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Pangulong Taneti Mamau ng Kiribati.
Ipinahayag ni Li, ang pagkatig sa pagsasagawa ng mga bahay-kalakal na Tsino, batay sa mga prinsipyo ng pamilihan at komersyo, ng pakikipagkooperasyon sa panig ng Kiribati sa iba't ibang larangang gaya ng pangingisda.
Ipinahayag naman ni Mamau ang pagtanggap sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Kiribati. Umaasa rin aniya siyang palalakasin ng dalawang bansa ang pagtutulungan at pagpapalitan sa kabuhayan, kalakalan, pangingisda, agrikultura, edukasyon, at mga iba pang larangan.
Salin: Liu Kai