Ayon sa ulat kahapon, Lunes, ika-6 ng Enero 2020, ng State Taxation Administration ng Tsina, noong 2019, dahil sa pagsasagawa ng mga hakbangin ng pagbabawas ng mga buwis at iba pang singilin, mahigit 2 trilyong yuan RMB na buwis at singilin ang hindi ipinataw sa buong taon.
Ayon pa rin sa naturang administrasyon, ang pagbabawas ng mga buwis at iba pang singilin ay nagdulot ng sigla at kompiyansa sa kabuhayan. Halimbawa, ang pagbabawas ng personal income tax ay nagdulot ng karagdagang 300 bilyong yuan na konsumo.
Salin: Liu Kai