Pinagtibay nitong Huwebes, Enero 9, 2020 ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang isang resolusyon na naglalayong hadlangan ang karapatan ng pangulo ng bansa sa paggamit ng aksyong militar sa Iran. Walang kabawalang pambatas ngayon ang nasabing resolusyon.
Tinukoy ng nasabing resolusyon na maliban kung bibigyan ng awtorisasyon ng kongreso o kailangang harapin ang pangkagipitang sandatahang pang-atake laban sa Amerika, dapat itigil ng pangulo ang aksyong militar na nakakatuon sa Iran.
Pagkatapos nito, inilabas ng White House ang pahayag na nagsasabing ang naturang resolusyon ay nagtatangkang pigilan ang kakayahan ng Amerika kontra Iran at mga ahente nito sa pagsasagawa ng mga teroristikong aktibidad, at hadlangan ang kapangyarihan ng pangulo sa pangangalaga sa sariling bansa at kapakanan ng Amerika sa rehiyon ng Gitnang Silangan. Anang pahayag, ang nasabing resolusyon ay isang aksyong pulitikal, at wala itong kabawalang pambatas sa kasalukuyan.
Salin: Vera