Sinabi nitong Miyerkules, Enero 8, 2020 sa social media ni Ministrong Panlabas Mohammad Javad Zarif ng Iran na hindi hinahanap ng kanyang bansa ang pagpapasidhi ng kalagayan o paglulunsad ng digmaan, pero pangangalagaan nito ang sarili laban sa anumang pagsalakay.
Dagdag pa ni Zarif, ang missile attack na inilunsad nang araw ring iyon ng Iran sa base militar ng tropang Amerikano sa Iraq ay hakbanging pandepensa, sa loob ng balangkas ng Karta ng United Nations (UN), at tinarget nito ang base na may nakatalagang tropang Amerikano na naglunsad minsan ng armadong pang-atake sa mga mamamayan at mataas na opisyal ng Iran.
Salin: Vera