Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko nitong Martes, Enero 14, 2020 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong isang taon, umabot sa 31.54 na trilyong Yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 3.4% kumpara sa taong 2018, at naging bagong rekord sa kasaysayan ang pag-aangkat at pagluluwas ng bansa sa buong taon. Sa kalagayan ng pagsadlak ng paglaki ng kalakalang pandaigdig sa kahirapan, ang muling paglikha ng kalakalang panlabas ng Tsina ng kapansin-pansing bunga ay nagpapakita ng pleksibilidad at kasiglahan ng kabuhayang Tsino. Bukod dito, ito ang nakakapagpatingkad ng mahalagang papel para harapin ng kabuhayang pandaigdig ang presyur ng pagbaba.
Noong 2019, sa epekto ng unilateralismo at proteksyonismong pangkalakalan at kalagayan ng pangkalahatang resesyon ng kalakalang panlabas sa buong mundo, ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina ay hindi lamang naisakatuparan ang matatag na paglaki, kundi naisakatuparan pa ang matatag na pagbuti ng kalidad; patuloy na pinabubuti ang estruktura ng pag-aangkat at pagluluwas; lumalaki nang lumalaki ang "Circle of Friends" sa merkadong pandaigdig; nalampasan sa kauna-unahang pagkakataon, ng mga pribadong kompanya ang mga kompanyang pinatatakbo ng pondong dayuhan na naging pinakamalaking sandigan ng kalakalang panlabas ng bansa, at napapatingkad nila ang pahalaga nang pahalagang papel sa larangan ng kalakalang panlabas; malinaw na tumaas ang bentahe ng mga iniluluwas na produkto sa kompetisyong pandaigdig.
Sa kasalukuyan, dahil patuloy ang pagbagal ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at dumarami ang di-matatag at di-matiyak na elemento, kinakaharap pa rin ng pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina ang mahirap at masalimuot na kapaligirang panlabas. Ngunit hindi nagbabago ang pangkalahatang tunguhin ng pagbuti ng estruktura ng kalakalang panlabas.
Salin: Li Feng