Sa pagtatapos ng 2019, dahil sa epekto ng kontra-globalisasyon, kinakaharap ng daigdig ang apat na malaking "depisito" o kakulangan na kinabibilangan ng pagsasaayos, kredit, kapayapaan, at kaunlaran. Bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang ginagawang pagsisikap ng Tsina sa aspekto ng pangangalaga sa globalisasyong ekonomiko, at pagbabawas ng nasabing apat na "depisito" sa buong mundo ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa daigdig.
Ang konsepto ng pangangasiwa sa buong daigdig na may magkakasamang pagsasanggunian, pagtatayo, at pagtatamasa na iniharap ng Tsina, ay nagsisilbing mabuting kalutasan para resolbahin ang nasabing apat na "depisito." Nakilahok ang Tsina sa halos lahat ng proseso ng paglutas sa mga mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig, at napatingkad ang konstruktibong papel sa mga isyung tulad ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, Afghanistan, at Syria. Naninindigan ang Tsina sa pagkakapantay-pantay at inklusibilidad, at itinatatag ang balanse at multi-win na modelo ng pag-unlad kung saan nakikinabang ang mga mamamayan ng buong daigdig sa pag-unlad ng globalisasyong ekonomiko.
Bagama't walang tigil na lumilitaw ang mga mahirap na problema sa bilateral at multilateral na relasyon, at kalagayang panrehiyon sa buong daigdig, buong sikap pa ring nagpupunyagi ang mga mamamayang Tsino para matamo ang bagong kaunlaran sa proseso ng paglutas sa mga problema, at makapagbigay ng mas maraming katiyakan sa patuloy na nagbabagong mundo.
Salin: Li Feng