|
||||||||
|
||
Narating ng Tsina't Amerika ang kasunduang pangkabuhaya't pangkalakalan sa unang yugto nitong nagdaang Miyerkules, Enero 15 , local time sa Whitehouse, Washington D.C.
Sa ngalan ng dalawang bansa, pinirmahan ang kasunduan nina Liu He, Pangalawang Premyer at punong negosyador ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos.
Ang naturang kasundunang Sino-Amerikano ay binubuo ng siyam na bahagi. May kinalaman ito sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), paglilipat ng teknolohiya, pagkain at produkong agrikultural, serbisyong pinansyal, exchange rate at transparency, pagpapalawak ng kalakalan, bilateral na pagtatasa at paglutas sa alitan, at iba pa.
Nilagdaan ang kasunduan pagkaraan ng 13 round ng talastasan sa mataas na antas nitong 23 buwang nakalipas.
salin: Jade
pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |