|
||||||||
|
||
Narating ng Tsina't Amerika ang kasunduang pangkabuhaya't pangkalakalan sa unang yugto nitong nagdaang Miyerkules, Enero 15 , local time sa Whitehouse, Washington D.C.
Sa ngalan ng dalawang bansa, pinirmahan ang kasunduan nina Liu He, Pangalawang Premyer at punong negosyador ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos.
Pagkaraan ng 13 round ng talastasan sa mataas na antas nitong 23 buwang nakalipas, ang nabanggit na kasunduan ay masasabing substansyal na hakbang tungo sa pinal na paglutas sa alitang pangkalakalan ng dalawang bansa. Angkop ito sa komong interes ng Tsina't Amerika at buong daigdig. Magpapasulong din ito ng kapayapaan at kasaganaan ng mundo.
Ang naturang kasundunang Sino-Amerikano ay binubuo ng siyam na bahagi. May kinalaman ito sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), paglilipat ng teknolohiya, pagkain at produkong agrikultural, serbisyong pinansyal, exchange rate at transparency, pagpapalawak ng kalakalan, bilateral na pagtatasa at paglutas sa alitan, at iba pa. Mababasa sa kasunduan ang tatlong nukleong isyung pinahahalagahan ng Tsina, na kinabibilangan ng pagkansela ng lahat ng karagdagang taripa, makatwirang pigura ng pag-aangkat mula sa Estados Unidos, at balanseng teksto, alinsunod sa mga alituntunin ng World Trade Organization (WTO) at alituntuning pangpamilihan. Tinutugunan din ng kasunduan ang pinaka-pinahahalagahan ng panig Amerikano.
Masasabing nagtatampok ang kasunduan sa dalawang katangian ng pagiging balanse at pagkakapantay, at mutuwal na kapakinabangan. Higit pa, upang matiyak ang pagpapatupad sa kasunduan, nakasaad sa bahagi ng bilateral na pagtatasa at paglutas sa alitan ang mga ipapataw na kaparusahan kung sinumang panig ang lalabag sa kasunduan.
Ipinakikita ng kasunduan na maaaring malutas ng Tsina't Amerika ang pagkakaiba sa pamamagitan ng patas na pagsasanggunian. Muli rin nitong ipinakikitang ang pagtutulungang Sino-Amerikano ay makakabuti sa kapuwa, at ang paglalabanan ay makakapinsala sa kapuwa.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |