Huwebes, Enero 16, 2020, nag-usap sa telepono sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam at Pangulo ng bansa.
Diin ni Xi, sa kasalukuyan, masiglang umuunlad ang usapin ng sosyalismo ng Tsina at Biyetnam, at nahaharap ang dalawang bansa sa mas maraming panganib at hamon. Dapat aniyang walang humpay na patibayin ang pagtitiwalaang pulitikal ng kapuwa panig, palaganapin ang tradisyonal na pagkakabigan, patatagin ang pundasyon ng relasyong Sino-Biyetnames, maayos na hawakan at resolbahin ang mga alitan, batay sa pangkalahatang kalagayan at pangmalayuang pananaw, at pangalagaan ang kapaligirang panlabas ng pag-unlad ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Nguyen ang pag-asa ng panig Biyetnames na mapapasulong ang pragmatikong kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, at mapapalakas ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga multilateral na okasyon, at mapapasulong ang pagtamo ng relasyon ng dalawang bansa at dalawang partido ng mas malaking pag-unlad.